Tuesday, September 11, 2007

Pretending

 

假裝.

我不知道什麼幸福意味...

我不知道什麼寂寞意味...

直到我遇見了你.

我認為我做着好

但是我的一切是徒然全部.

我假裝...

假裝不感覺...

假裝不認為...

當一切關於你

造成我的心臟流血

和我的世界停止.

Thursday, August 30, 2007

Feeling

From peyups.com
Feelingby icebitch
Date: 2002-10-01 09:00:06
Topic: Writings - Love Stories


Hah. Feeling ko alam mo na. O baka naman napapraning lang ako. O baka lumuluwag lang talaga ang mundo. Kasi feeling ko lumalayo ka sa akin eh. O hindi kaya ako ang lumalayo? Lintek na Theory of Relativity na yan, sa lahat ba naman ng pwede kong maalala, yun pa…

Normal. Hah. Sino ginago ko? Feeling ko naman kering-keri ko ang pagpapanggap ko. O di ba, astig. O di ba, fool-proof. O di ba, hindi ata marunong mainlab ang pusong to…sabay tuktok sa dibdib. Naku hindeee…

Gusto kong humarap sa salamin at sapukin ang sarili ko. Tatanga-tanga, gaga’t kalahati…buong-buo pa naman ang akala kong mapaninindigan ko ang mga kayabangan ko.

At ayun. Nayari na.

Dumating ka at pinira-piraso mo ako.


Hah. Feeling ko medyo namimiss na kita. Medyo lang. Hinahanap-hanap ko na ang kamay mo, na ever since na-realize kong nahuhulog na ko sa yo eh pinili kong bitawan na lang.

Pero nabubuhay naman akong wala ka ah…at feel ko naman eh kahit na mawala ka na forever eh mabubuhay ako. Medyo malungkot, medyo sawi – who isn’t, anyway? In crowd nga yun eh – mga luksa, mga lumuluha.

At yes, sasama na ako sa kanila. Mga forever na naiyak, forever nakaitim, forever malungkot.

Pero alam mo, kahit papano, isa na ako sa mga relatively happier dun. (Putris yan, ‘relative’ na naman.) Kasi kahit na sa ganung context lang, andun ka naman. Kahit na sandali, kasama kita. Kayakap minsan. Kahawak ng kamay minsan. Kahit minsan lang, meron tayo. Kahit dati. Kahit ngayon.
Kahit hindi na magbago yung context, okay na lang rin. Kaysa wala, di ba?

Hah. Feeling ko alam mo na, nagpapanggap ka lang na dense. O baka nature niyo lang talagang mga lalaki ang maging insensitive gaya niyan. O baka defense mechanism nyo. Hmpf, mga gaya-gaya, defense mechanism din namin kaya yan. Density. Insensitivity. We’re all fragile inside. We all bruise easy…inside.

Sana bumalik tayo sa dating gawi. Contractual, kunyari. Di totoo. Mga sinungaling. Sana mahawakan ko ulit ang kamay mo nang hindi nasasaktan. Sana mayakap uli kita nang hindi ko na iniisip na hindi ka magiging akin, ever. Sana bigla na lang ako magising at ma-realize – mahal? Ikaw? Ano yun, joke?

Sana.

Pero in the mean time…kailangan kong pagtiisan to. Isang malaking kahangalan. Pero hindi sha joke, take note. Hindi sha nakakatawa – masakit sha, mahirap, at medyo mas malala pa ng konti sa sakit ng pagtubo ng wisdom tooth. Ayan, napaka-vivid na nun ha.

Feeling ko naman, you get the point.

Pero alam mo naman ako – likas na feeling.


##########