While I was rummaging the drawer for Platinum KTV’s price list, which, by the way, turned out to be unsuccessful, I surprisingly got a hold of something that should have long been buried and burned: the draft of my Stupida entry. Hehehe. So, for the sake of reliving the moment, here it is once again.
I’m sure may mga nakaalala nito sa inyo.
March 16, 2008
Last week…
Nag-YM ka sa ‘kin dahil may get-together. Buti na lang. Buti na lang at naalala mo pa akong imbitahin. Actually nasabihan na rin ako ni M tungkol dun, hindi nga lang malinaw yung mga detalye. Kasi hindi ko alam kung sinu-sino ba tayo tsaka ilan. May kutob ako na kasama ang barkada mo, pero keber lang. At totoo nga. Yun pala get-together yun ng barkada mo, andun ang ex mo, at sumama naman ako. Gaga Part 1. Hay…bakit pa ba ‘ko sumama?
Kagabi…
…ang get-together. Hindi pala nakapunta si M. At sa grupo natin maliban sa kanya, ako lang ang sinama mo. Napagkasunduan pala natin na sasabay ako sa’yo, at akala ko naman na ako lang. Pero dahil maraming namamatay sa maling akala, pwedeng pwede na ‘ko mamatay nung malaman ko na susunduin mo pa pala ang ex mo! Gaga Part 2. Pero siyempre keber lang. NR kumbaga. Pero deep inside gustung-gusto ko na bumaba ng auto mo at maglakad pabalik sa ‘min.
Culture shock. Exclusive pala ang get-together. At partner-partner kayo. Hayop. Gaga Part 3.
Fast forward. Kainan, inuman/tagayan (with games), tawanan…at siyempre uwian. Hindi pala mag-oovernight ang ex mo dun sa apartment ng mga kaibigan mo, at kailangan mo siyang ihatid. Dahil obliged ka na ihatid mo siya. Pinapasama mo pa ‘ko sa inyo. Amputsa. At dahil hindi ko gawain ang umepal, nagpaiwan na lang ako kasama nila. Naiwan. Iniwan. At iniisip ko pa nun na baka bumalik ka pa, pero hindi. Gaga Part 4. Letseng gabi ‘to.
Ngayon…
Naghintay ako sa text mo. Wala. Hindi ako nakatiis kaya ako na ang nagtext sa’yo. Ang sabi ko, “Ei thank u pla khpn.ü Sna nkauwi kyo ng maayos kgbi & sna ok na kyo n K.ü” At siyempre umasa naman ako na magrereply ka. Gaga Part 5. Hay…
At hindi ka nga nagreply. Kahit ni isang simpleng thank you o sorry, pwede na. Pwede na sa ‘kin yun. Okay na sa ‘kin. Basta magreply ka lang! Kahit isang reply! Pero kahit ni isa wala! Wala. Lintik na yan. Hindi mo man lang ako kinamusta o kahit tinanong man lang kung nakauwi ba ‘ko ng maayos, kung naligaw ba ‘ko o hindi, kung buhay pa ba ‘ko. Puta.
Kaya ayun emote to the highest level na naman ako. At habang andun ako sa terrace namin at nag-eemote, biglang sabay segue ng kantang “How Do I Live” na hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling! Hoy manong, yung speakers ng padyak niyo ang lakas! Okay sa olrayt naman ang timing! Grabe.
Sabi ko pa sa sarili ko eh ano naman kung hindi ka nagreply. So what kung hindi?! Pero hindi pwede. Dapat meron kang sabihin kahit thank you o sorry man lang. Pero wala eh. Wala talaga. O di ba, sobrang nakaka-frustrate. Gusto talaga kitang tirisin, sakalin, patayin.