Sunday, April 20, 2008

Usapang Kulasa

 

Pagkatapos ng 3 taon after ako mag-graduate, ngayon na lang ulit ako napadaan sa may St. Scho dahil yung tita ko eh may kelangang idaan sa kumare niya na nakatira malapit dun. At wow! Ang ganda na ng Immaculate Concepcion! Yung dorm sa tapat ng school sosyal na! Mukha na talaga siyang dorm in fairness. Hehe. At yung Migui's dati sa baba nun eh Migui's Cafe na! Naka-aircon na din! Asenso! Samantalang dati di kumpleto ang breakfast, lunch, merienda at dinner nang hindi tumatagaktak ang pawis mo. Pero oks lang kasi masarap talaga sila magluto. Walang sinabi yung mga pagkain sa canteen. Wala na yung maliit na powder-type xerox stall sa tabi ng Migui's dati kundi napalitan na ng malaking Mini Stop.

Renovated na din yung facade ng St. Scho, at alam ko marami na din pati sa loob. Balita ko wala ng Pergola, yung tamabayan ng prep, grade/high school at college students pag naghihintay ng oras, teacher/professor, classmate/s o sundo. Nye. Corny na. Pano kasi pag sinabi mong Pergola alam at maiisip mo agad ang St. Scho. Associated na ba. Vintage yung mga green benches dun. Kopong kopong pa ata yung mga yun. Astig daw yung sa Mass Comm Department. Ewan ko kung anong hitsura pero sobrang ganda na daw ng mga facilities pati na din nung building. Kahit na, dami pa ding mumu dun. Unless ilaga nila sa holy water yung building o yung school mismo. Hehe. Balita ko si Carbon na din daw ang head sa Student Affairs Office o SAO. No comment.

Sa Estrada at Vito Cruz dami na din bagong buildings, pati yung mga streets sa likod ng school na hindi ko alam dami na ding establishments. Pero sobrang panalo sa lahat yung Providence. Buhay pa hanggang ngayon. Halos alam yun ng lahat. Pano mura videoke. Hehe. Noon hanggang ngayon 5 pesos kada kanta pa din ata dun. Sunog baga mo kahit di ka nagyoyosi. Dati iba-iba ang crowd. Ngayon parang iisa na lang. Exclusive. Culture shock sayo pag di ka sanay.

Tahimik tsaka malinis kasi Linggo at bakasyon. Pero pag may pasok, umpisa nanaman ang mga papampam ng Benilde. Lupit ng mga tsikot nila. Nakakita ako dati ng Mini Cooper dun na nakapark sa labas. Sarap i-carnap. Hehe. At yung bass nila, potah. Yanig ang St. Scho. Grabe. Eto lang, di nauubusan ng mga gwapong tambay sa tapat. Busog mata mo. At kung suswertehin may magpapakilala. "God bless Benilde!" sabi nga ni Yannie, yung dati kong kikay na blockmate. Amen ako diyan!

22 comments:

  1. Aah...Kulasas. Can't live with them. Can't live without them. Wehehe.

    ReplyDelete
  2. tim, Bedista ka di ba? eh di brothers and sisters pala tayo. hahaha! :)

    ReplyDelete
  3. Yep. Red-blooded. Yun nga eh. "Brothers" and "Sisters" "LANG" tayo. Hmp! Wahahaha.

    ReplyDelete
  4. Asush, may namumuong...tensyon! Haha

    ReplyDelete
  5. @ relucio and cinco: mga siraulo kayo! :)

    ReplyDelete
  6. "LANG"? Bakit anong meron?! hehe. peace. :)

    ReplyDelete
  7. Soree naman. Hehe. It sounded "weird" pala. I'm referrin to a certain "Kulasa" naman. Hehe. MassCom PJ din. True-blue Scholastican din. Wahaha. Kabarkada ko.

    ReplyDelete
  8. mga diskarte mo talaga tim... tsk tsk.

    ReplyDelete
  9. Hah! Matitigas lang talaga kayo. Hehe.

    ReplyDelete
  10. matitigas? hmm...in what sense? hehe. kung san san na napupunta yung usapan! haha!

    ReplyDelete
  11. Strong, Joyce. I meant strong. Wag ka papadala dyan kay Jai. Hahaha.

    ReplyDelete
  12. tim, may nagseselos sayo...hehehe. so weird di ba?! don't mind it though. :)

    ReplyDelete
  13. Hwell..ehem ehem! Hehehe. Soree naman. Eto nanaman ako. Mababanatan ako nito eh. Tsk tsk.

    ReplyDelete
  14. hahaha! di bale wala naman siyang right. :)

    ReplyDelete
  15. Kahit na. Natatakot ako. Pag may bigla na lang sumapak sakin di na pala ako dapat magtaka. Hahaha. Tsk tsk tsk.

    ReplyDelete
  16. haha! everyone should see the Mass Comm wing...deadma na sa mumu...makulay :)

    ReplyDelete
  17. hi ms. she. :) hay...haven't been there for the past three years! sana makita ko na soon...

    ReplyDelete